PNP Camarines Sur, pinaigting ang pagsisilbi ng search warrant sa may mga baril na walang lisensya kaugnay nang nalalapit na halalan

CAMARINES SUR- Pinaigting ng Camarines Sur Police Provincial Office ang pagsisilbi ng Search Warrant laban sa mga nagtatao ng baril na walang lisensya.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni PMaj. Maria Victoria Abalaing, tagapagsalita ng Police Provincial Office.  Dagdag nito ang mga paso na ang lisensya hinihikayat nila na i-turn over na muna sa himpilan ng pulisya ang armas lalo na ngayong nalalapit na ang campaign period pati ang Sanguniang Kabataan at Barangay Elections.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte
Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Sa buong Bicol Region 955 na ang nakumpiskang loose firearms mula Abril 26 hanggang nitong Oktobre 6, 2023.

Samantala sa huling datos ng PNP Regional Office 5, lima na ang lumabag sa gunban sa Camarines Sur habang 4 sa Naga City.