Mga props na baril sa mga movie shooting, kailangan ng Certificate to Transport

Nagpaalala ang Philippine National Police Firearms and Explosive Office (FEO) ang mga nasa entertainment industry na kailangang kumuha ng Certificate to Transport sa Commission on Elections (COMELEC).

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ito ay sa oras na kailangan nilang magdala at gumamit ng mga pekeng baril o mga props na baril.

Batay sa pinakahuling adbisory na inilabas ni PNP Firearms and Explosives Office Acting Chief PBGEN. Roger Quesada, sasaklawin nito ang mga air-soft, airgun, at iba pang mga replika.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Kung kakailanganing gumamit ng mga props na baril, mas mabuting ipaalam ito sa naturang opisina.