P1 provisional fare hike umarangkada na

Epektibo na ang pansamantalang P1 dagdag o provisional fare increase sa minimum na pamasahe ng mga pampublikong dyip sa buong bansa.

Batay sa inilabas na kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), maaari nang singilin ng P13.00 ang mga pasahero ng Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ) habang P15.00 naman para sa Modern Public Utility Jeepney (MPUJ).

Read More:  DFA warns Chinese Embassy over controversial social media posts

Sa kabila ng taas pasahe, ilang tsuper pa rin ng jeep ang P12 ang singil sa mga pasahero.

Read More:  DILG offers ₱50 million reward for Bato dela Rosa’s arrest

Gayunpaman, ipinaliwanag ng LTFRB na dahil provisional ang pagtaas ng pamasahe, maaaring singilin ng mga driver ang karagdagang P1 kahit walang fare matrix.