Nahainang show cause order, umabot na ng mahigit 5K na mga kandidato

Umabot na sa mahigit limang libo ang bilang ng mga kandidato na nahainan ng Show Cause Orders (SCO), base sa pinakahuling datus ng Task Force Anti-Epal ng Commission on Election (COMELEC).

Mula sa nasabing bilang ng SCO may 1,132 naman ang tumugon habang may naitalang 347 ang na drop ang complaints dahil sa walang factual basis.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Una na ngang nagbansa si Comelec Chair. George Garcia, na aaraw-arawin nila ang pagbibigay ng SCO hanggang may mga lumalabas sa Election Code lalo na sa pre-campaiging.

Samantala, may mahigit sa dalawang daan na ang posibleng masampahan ng disqualification case at 82 dito ay tuluyan ng naisampa ang petition kung kaya hindi na makasasali pa sa darating na botohan sa Oktubre a-30.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Ayon sa Komisyon, possible pang tumaas ang nasabing bilang ng disqualification case lalo’t nasa dalawang linggo pa bago ang official na campaign period na magsisimula sa Oct. 19 hanggang Oct. 28.