Bagong road rage incident sa Marikina na sangkot ulit ang isang siklista – nag-viral

Naglabas na ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa Sports Utility Vehicle (SUV) driver na sangkot sa bagong road rage incident sa Dragon Street, Marikina City.

Sa ilalim ng order, inaatasan ng LTO ang inirereklamong driver na dumalo sa pagdinig sa darating na October 2.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Maliban pa roon, pinagsusumite rin ito ng paliwanag tungkol sa insidente.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Ito ay upang hindi na managot sa kasong reckless driving, disregarding traffic sign, obstruction of traffic at improper to operate motor vehicle.

Sa kasalukuyan, suspendido na ang rehistro ng SUV driver sa loob ng siyamnapung araw.