DILG inihayag ang kahalagahan ng pagkakamit ng Seal of Good Local Governance ng isang LGU

CAMARINES NORTE – Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kahalagahan ng paggagawad ng Seal of Good Local Governance (SGLG) sa isang Local Government Unit.

Sa kaniyang pananalita sa ginagawang national validation ng DILG national sa dalawang LGU sa lalawigan binigyang diin ni Provincial Director Melody Relucio ang kahalagahan ng pagkakamit ng SGLG award.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Aniya napakaraming problema ang kinahaharap ngayon ng bansa tulad ng pagtaas ng presyo ng petrolyo, bigas, hirap sa komunikasyon gayundin ang mga hamon na kaakibat ng digital age kung saan importanteng maka- cope up ang mga LGU.

Read More:  Nine injured as Canlaon City booth burns at Buglasan Festival in Dumaguete

Ang dalawang munisipyo na contender para sa pinakamataas na parangal na iginagawad ng DILG sa isang LGU ay ang Paracale at Basud.