Incumbent kagawad, natimbog sa buy-bust operation sa Pitogo, Quezon

Timbog ang isang incumbent barangay kagawad matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsama-samang pwersa ng mga awtoridad sa Badangay Cabulihan, Pitogo, Quezon nitong Huwebes, Setyembre 21.

Ayon sa police report, bandang alas-5:25 ng hapon nang isagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa nasabing kagawad na kinilalang si Cesar Generale, 42-anyos.

Read More:  Six arrested in Leyte over alleged illegal diesel sale

Sa gitna ng operasyon, nasabat mula sa suspek ang tatlong (3) sachet ng hinihinalang shabu, isang (1) coin purse at ang 500-peso bill na ginamit bilang buy-bust money.

Read More:  Man arrested in Maguindanao del Sur over alleged murder of LGBTQ individual in Davao City

Samantala, ang nasabing suspek ay hindi kandidato sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election.

Sa ngayon, kasalukuyan ng nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.