Ilang bookstores, nagbebenta na ng ’10-dash-line’ map ng China

Nakatanggap ng ulat si National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya hinggil sa ilang mga bookstore na nagbebenta umano ng 10-dash line map ng China.

Ayon kay Malaya, nakasaad sa impormasyon na maaring bilhin umano ng mga Pilipino ang ibinebentang bagong mapa ng Beijing.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Giit ng NSC Assistant Director, may pantapat ang bansa sa mapa ng China; pero inaantay pa lamang ang hudyat ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na ito’y maaprubahan.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Oras na ilulunsad ito ng Pangulo, maaari aniya itong ipamahagi sa iba’t ibang mga bookstore sa buong bansa, mag-imprenta ng marami, at ilagay sa mga public libraries, paaralan, at lahat ng mga nagnanais magkaroon ng kopya ng bagong mapa ng Pilipinas.