DTI at DA, maglalabas na ng rekumendasyon kung palalawigin pa ba ang price cap sa bigas

Binabalangkas na ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang magiging rekumendasyon hinggil sa umiiral na price cap sa bigas.

Ayon kay DTI-Fair Trade Enforcement Bureau dir. Fhillip Sawali, sa susunod na linggo ay posible na nilang ilabas ang kanilang rekumendasyon kung itutuloy ba o hindi ang ipinataw na price ceiling sa well-milled at regular-milled rice.

Read More:  Ridon calls for probe into pro-Duterte, pro-China personalities

Ilan umano sa tinitingnan nilang factors o salik para rito ay kung naging epektibo ba ang price cap para mapababa ang presyo ng bigas.

Read More:  DepEd prepares flexible learning rules for Super El Niño

Titingnan din umano kung mataas ba ang naging compliance para rito, at kung mayroon na bang pumasok na mataas na supply ng bigas sa mga supplier.