Pagpapalayas sa mga POGO sa bansa, gumulong na sa Senado matapos makalusot ang committee report

Matagumpay nang naipasa sa Senado ni Senate Commmittee on Ways and Means Chairperson, Senador Win Gatchalian ang committee report no. 136 na naglalaman ng panawagang palayasin na sa bansa ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ito ay matapos makakuha ang senador ng sapat na pirma o suporta mula sa kanyang mga kasamahan makalipas ang anim na buwan.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Ayon kay Gatchalian, maituturing na mahalagang hakbang ang pagkakaroon nito sa Senado upang mapigilan ang paglaganap ng mga krimen na nagmumula sa kumpanya ng POGO.

Dagdag pa niya, makatutulong din sa pagpapanatili ng kaayusan ng bansa at pagpapalago ng ating ekonomiya ang pagpaalis o pag-expel sa mga ito mula sa bansa.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Maalala, ayon sa inilabas na datos ng Philippine National Police (PNP) umabot na 4,355 ang mga krimen na may kinalaman sa POGO tulad ng crypto-currency at love scam.