Mabigat na daloy ng trapiko, isinisisi sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral

Isinisi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagbabalik eskwela ang nararanasang traffic sa ilang malalaking kalsada sa Metro Manila, lalo na sa may bahagi ng Katipunan.

Sa pag-aaral ng MMDA, napag-alaman umano na dumarami ang sasakyan sa mga kalsada tuwing oras ng pagpasok ng mg estudyante, o tuwing ala-7 hanggang alas-8.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Ayon naman kay Usec. Procopio Lipana, ina-assess na nila daloy ng mga sasakyan para masolusyonan ang problema sa traffic.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Gagawa umano sila ng mga adjustment upang maisaayos ang congestions sa malalaking kalsada.

Sa huli, umaasa ang opisyal na sa sandaling matapos na ang mga projects, magiging malaki ang mababawas sa problema sa mabigat na daloy ng trapiko.