DA, aminadong lugi raw ang maliliit na rice retailers sa ipinatupad na price cap

‘Alam naming lugi sila’

Ito ang ginawang pag-amin ng Department of Agriculture (DA) kasabay ng unang araw ng pagpapatupad ng price cap sa presyo ng bigas.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Sa ginawang inspection sa ilang mga pamilihan sa Metro Manila, sinabi ni DA Senior Usec. Domingo Panganiban na batid daw nilang marami talagang nalugi rito lalo na ang mga maliliit na rice retailers.

Dahil dito, naglaan nga raw sila ng one-time, big-time na P15,000 na ayuda para sa mga maaapektuhang tindero ng mga bigas.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Kung maaalala, ang ilang mga retailers ay mas pinili na lang na huwag na munang magbenta ng bigas ngayong araw.