‘West PH Sea’ shirt ng mga Senador sa Gilas vs China game – dinepensahan!

Dinepensahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mga t-shirt na isinuot ng mga senador sa panalo ng Gilas Pilipinas laban sa China sa 2023 FIBA Basketball World Cup noong Sabado.

Nakasaad kasi rito ang mensahe na ang West Philippine Sea (WPS) ay pag-aari ng Pilipinas, bilang statement ng mga senador.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Aniya, ipinakita nila na hindi sila papayag ma-bully ulit sa sariling bansa matapos maglabas ang China ng ten dash line.

Ayon naman kay Senador Bong Go, pinili nilang magsuot nito upang itulak ang “morale-boosting win” para sa bawat Pilipino at gisingin ang patriyotikong espiritu ng Gilas.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Dagdag pa nito na hindi man nanalo sa mga nagdaang laro ang Pilipinas, ang panalong ito ang pinakamatamis sa lahat, na nagtapos sa resultang 96-75.