Sorsogon fisherfolks, makatatanggap ng 9 na FRP mula sa BFAR

Makatatanggap ng 9 na fiberglass reinforced plastic (FRP) na bangka ang 9 na fisherfolk beneficiaries sa Sorsogon.

Ayon kay BFAR-5 information officer Rowena Briones, ang 22-footer na FRP boats ay may kumpletong accessories at 7.5 horsepower (HP) marine engine at may kabuuang halaga na halos P4M.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Maliban sa Sorsogon fisherfolks, ipapamahagi rin ang 5 FRP sa Albay, 7 sa Camarines Sur, 8 sa camarines Norte , 7 sa Catanduanes at 7 rin sa Masbate.

Sinabi pa ni Briones na mangingisdang benepisyaryo na miyembro ng asosasyon ang makatatanggap nitong buwan ng Setyembre.

Ang mga bangka ay bahagi ng mas malawak na estratehiya ng ahensya para iangat ang komunidad ng mga mangingisda habang tinitiyak ang responsableng paggamit ng yamang dagat.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Idinagdag pa ni Briones na bukod sa mga bangkang FRP, ibinibigay din sa mga mangingisda ang mga programa sa pagsasanay sa sustainable fishing practices, marine conservation at maayos na boat maintenance.