Overpricing at hoarding ng bigas, maaaring idulog sa 8888 o ang Citizen’s Complaint Center ayon sa DTI

Hinihimok ng Department of Trade and Industry o DTI ang publiko na huwag mag alinlangang isumbong sa kanilang tanggapan kung may makikitang hindi susunod sa itinakdang price ceiling ng presyo ng bigas.

Maliban sa one-DTI hotline number na 1-384 o e-mail sa [email protected], pwede ring mag sumbong ang publiko sa Citizen’s Complaint Center sa numerong 8888.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Kaugnay nito i-aactivate na rin ng DTI ang kanilang price monitors, at pakikilusin ang Local Price Coordinating Council, para matiyak na susunod ang mga retailers.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Mababatid na simula sa araw ng Martes, epektibo na ang 41 pesos na price cap sa regular milled rice, habang 45 pesos naman sa well-milled rice.

Ayon pa sa DTI, ibinase ang price cap sa average na presyo ng bigas sa nakalipas na tatlong buwan.