DepEd, pinahihintulutan ang Christmas decorations sa mga classrooms

Matapos ipatanggal ang mga “unnecessary” decorations ng mga guro sa mga classrooms, pinahihintulutan naman ng Department of Education (DepEd) ang paglalagay ng mga Christmas decorations sa mga silid aralan.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Gayunpaman, nagpaalala si DepEd Undersecretary and spokesman Michael Poa na kinakailangang simple pa rin ang paglalagay ng dekorasyon upang mapanatiling focused ang mga mag-aaral.

Ang hindi lang raw pinapayagan kasi ng ahensya ay ang paglalagay ng permanenteng dekorasyon.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Sinabi rin ng tagapagsalita na dapat iwasan ng mga paaralan ang pagdaraos ng mga patimpalak para sa mga classrooms na may pinakamagandang dekorasyon, upang maiwasan ang mga hindi kinakailangang gastos, lalo na’t kadalasan galing sa sariling bulsa ng guro ang ipinangbabayad rito.