Na-relieve na sa puwesto ang hepe ng Rodriguez, Rizal police.
Ito ay matapos ang pagpatay sa kinse-anyos na binatilyong si John Francis Ompad.
Ang suspek ay una nang nakilala bilang sina PCorporal Arnulfo Gabriele Sabillo, at isang Jeffrey Bagui.
Ayon kay Philippine National Police – Public Information Office (PNP-PIO) chief Col. Jean Fajardo – na-relieve na sa puwesto si LtCol. Ruben Piquero.
Ito umano ay para magbigay-daan sa gumugulong na imbestigasyon sa kaso.
Una na ring na-aresto ang mga suspek at nahaharap na sa kasong homicide at attempted homicide.
Isa sa suspek, positibo sa illegal na droga***HEADING
Positibo sa illegal na droga ang isa sa kinilalang suspek kay Ombad.
Ayon sa Internal Affairs Services (IAS), nagpositibo sa methamphetamine ang angkas ni Sabillo na si Baguio.
Samantalang pareho naman silang nag-negatibo sa inilabas na parrafin test.