3 sugatan sa pagbangga ng isang bus sa Balintawak Toll Plaza

Sugatan ang tatlong katao dahil sa pagbangga ng isang bus kaninang alas otso ng umaga sa Balintawak toll Plaza.

Ayon sa NLEX, makikita sa camera ang pagkabig ng driver ng bus pakaliwa na tila nawalan ng preno noong papalapit na ito sa teller ng NLEX.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Umabot naman ng isang oras bago tuluyang mahila ang bus mula sa pinagsalpukan nito.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Samantala, agad naman ding binigyan ng paunang lunas ang sakay nitong pasahero at ang teller ng booth na parehong nakapagtamo ng minor injuries sa insidente.

Sa kasalukuyan, patuloy pa ring nagsasagawa ang awtoridad ng imbestigasyon upang matukoy ang totoong nagyari.