DOTr, nagpaalala na bawal batuhin ang mga tren ng PNR

Nagpaalala ang Department of Transportation (DOTr) na bawal batuhin ang mga tren ng Philippine National Railways (PNR).

Batay sa abiso ng DOTr, hindi pwedeng batuhin ang mga bagon gamit ang anumang bagay, kasama na rito ang putik dahil ito’y makakaapekto sa kaligtasan ng mga pasahero at sa biyahe ng tren.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Ayon sa pamunuan ng PNR, maaring makasuhan ang sinumang mahuhuli o maaaktuhang nambabato sa mga bagon.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Hinihikayat ang publiko, kasama na ang mga opisyal ng iba’t ibang lugar na makipag-ugnayan sa ahensya upang maiwasan ang pambabato sa mga tren.