SUGATAN ang 11 na pasahero ng eroplano ng Delta Air Lines matapos maranasan ng mga ito ang ‘severe turbulence’ sa ere mula Milan patungong Atlanta.
Sakay ng naturang eroplano ang mahigit 115 na pasahero, kabilang ang 10 flight attendants at apat na piloto, nang bigla nitong tinamaan ang malakas na kumpol ng hangin sa humigit-kumulang na 40 milyang layo sa Hilagang-silangan ng Hartsfield-Jackson Atlanta International Airport.
Sa pahayag ng Airline company, prayoridad nilang matiyak ang kaligtasan ng mga customer at mga crew na nagtamo ng pinsala mula sa insidente.
Samantala, patuloy naman ang pag-iimbestiga ng The Federal Aviation Administration para maiwasan na ang mga kaso ng aksidente dulot ng turbulence sa nasabing lokasyon. 𝗝𝗢𝗛𝗡𝗢𝗔𝗛 𝗠𝗔𝗘 𝗭𝗘𝗣𝗘𝗗𝗔, 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡