SC, kinumpirmang empleyado nila ang dating pulis na nagkasa ng baril sa siklista

Kinumpirma ng Korte Suprema (SC) na empleyado nila ang nag-viral na dating pulis na nagkasa ng baril sa isang siklista.

Sa inilabas na media advisory ng Kataas-taasang Hukuman, pinatunayan ng SC na nagtatrabaho ang dating police officer na si Wilfredo Gonzales sa ilalim ng opisina ni Associate Justice Ricardo Rosario.

Read More:  China warns of more entry bans over Jing Quan dispute

Nakasaad din sa abiso na agad sinibak sa pwesto si Gonzales nitong Agosto 27 nang mangyari ang insidente.

Read More:  Marcos vows to address nurse shortage, hospital vacancies

Ayon sa Supreme Court, hindi kinukunsinti ni Justice Rosario ang anumang uri ng karahasan o mapang-abusong gawi ng dating pulis.