Nasa 32, 706 na mga pulis ang ipinakalat ngayon ng Philippine National Police para matiyak ang ligtas at maayos na pagbubukas ng klase sa mga paaralan simula ngayong araw.

Ayon kay PNP Chief PGen Benjamin Acorda Jr., nasa 6,159 Police Assistance Desks ang inilagay sa mga stratehikong lugar sa bansa na handang tumugon sa pangangailangan ng mga estudyante , magulang at mga guro sakaling may emergency.
Patuloy din aniyang naka alerto ang kanilang buong hanap para maiwasan ang mga krimen.
Hinikayat din ng Pambansang Pulisya ang publiko na agad na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya kung mayroong mga kahina-hinalang aktibidad upang matiyak ang ligtas na pagbabalik-eskwela.