SBP, hinimok ang mga Pilipino na suportahan ang Gilas Pilipinas sa FIBA

Hinimok ng Samahan ng Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang mga Pilipino na suportahan ang Gilas Pilipinas sa World Cup 2023.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Ayon kay SBP executive director Sonny Barrios, hindi porket naka-dalawang talo na ang Gilas ay iiwanan na ng mga Pilipino sa ere ang national team.

Dagdag pa ni Barrios, iparamdam ng buong Pilipinas ang malasakit, at dasal na kahit papaano magtagumpay ang koponan ng bansa.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Mababatid na wala pa ni isang panalo ang Gilas Pilipinas sa 2023 Fiba Basketball World Cup.