Muling nilinaw ng Department of Labor ang Employment (DOLE) na kahit mayroon o walang petition sa wages increase ay umaaksyon ang lahat ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa hiling ng mga manggagawa.

Sa panayam ng Brigada NewFM kay Labor Sec. Bienvenido Laguesma, sinabi nito na may mga prosesong pinagdadaanan ang mga petition at hindi ito basta-bastang minamadali.
Paliwanag pa ni Sec. Laguesma, may mga isinasaalang-alang sa iba’t ibang rehiyon bago aprubahan ang ano mang wage order na may kinalaman sa Gross domestic product (GDP) at inflation at kung ano ang pwedeng mangyari sa employment level ng bawat rehiyon.
Una rito, sa hiwalay na panyam ng Brigada NewsFM kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, iginiit nito na kayang-kaya ng pamahalaan na aprobahan ang kanilang petition na P750 across the board wage increase ngunit ayaw lamang aniya itong aprobahan.