Tulak ng iligal na droga sa Daraga, Albay, arestado

LEGAZPI CITY – Arestado ang lalaking tulak ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Kimantong, Daraga, Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Mark”, construction worker at residente ng Brgy. Pawa, Legazpi City.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Batay sa report, nahuli ito sa matapos pagbentahan ang nagpanggap na buyer mula sa mga otoridad.

Read More:  Six arrested in Leyte over alleged illegal diesel sale

Nakumpiska rito ang humigit-kumulang 2.5g ng hinihinalang “shabu” na may tinatayang halaga na PHP20,000.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.