PNP-IAS, iimbestigahan na ang pagkapatay ng mga pulis sa isang menor de edad sa Rodriguez, Rizal//LGD

Tiniyak ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) na sisiyasatin nilang mabuti ang panibago na namang insidente ng pamamaril ng pulis kung saan, menor de edad ang biktima.

Kung maaalala, unang kinumpirma ng Rizal Police ang pagkamatay ni John Francis Ompad – 15-anyos na binatilyong aksidenteng nabaril ng ilang pulis sa bayan ng Rodriguez.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Ayon kay PNP-IAS director Insp. Gen. Alfegar Triambulo – inilunsad na nila ang moto-propio investigaiton para sa insidente.

Kung maaalala, una nang sinampahan ng kasong homicide at attmepted homicide si PCpl Arnulfo Sabillo na naka-assign sa Community Police Action Center (COMPAC) 5 ng Rodriguez MPS.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sabi ni Triambulo, maliban sa kasong kriminal ay maaari pang maharap si Sabillo sa kasong administratibo.

Kabilang na rito ang grave misconduct at conduct unbecoming of police officer.