Ilang residente sa Arnaiz Street sa Makati, nabulabog matapos ang malakas na pagsabog sa isang establisyamento

Nabulabog ang ilang residente sa Arnaiz Street sa Barangay Pio Del Pilar, Makati matapos makarinig ng malakas na pagsabog sa isang establisyamento.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ng Makati City Fire Station, gas leak ang posibleng sanhi ng pagsabog.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Agad namang nagtulong-tulong ang mga residente at tauhan ng barangay sa pag-apula ng apoy gamit ang isang fire extinguisher.

Samantala, wala namang naitalang nasawi o nasaktan bunga ng nasabing insidente.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Patuloy naman din ang awtoridad sa pagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng nasabing pagsabog.

Kung maalala, labinglima ang naging nasugatan sa pagsabog ng isang restaurant sa Oriental Mindoro nitong Hunyo dala ng gas leak.