Lola sa USA, walang awat sa pag-skydiving sa kabila ng kaniyang edad

Isang lola sa Colorado USA ang hindi nagpapaawat sa pag-skydiving sa kabila ng kaniyang edad na 84.

Sa ngayon, umabot na umano sa ika-580 beses na nasubukan ni Kim Knor ang nasabing larangan.

5 taong gulang pa lamang umano si Kim nang maging interesado na siya rito dahil at sinumulan niya nga ito sa edad na 20.

Noong panahon ay naging parte umano si Kim ng US Women’s Parachute Team at kalauna’y naging Hall of Fame.

Dahil rin sa larangang ito, dito natagpuan ni Kim ang kaniyang minamahal sa buhay na asawa isang Skydiving Championships.

Ngunity kalauna’y naaksidente ito at dito rin pansamantalang tumigil si Kim.

Ngunit, kamakailan ay muling ginanahan ito na muling bumalik sa pag-skydiving kung saan tila ayaw niya raw umano itigil ito hangga’t hindiniya ito nasusubukan ng 1000 beses.

Sa kasalukuyan nga ay ika-580 beses na ito ni lola Kim at kamakailan, nakasabay niya na rin ang kaniyang apong si John sa kauna-unahan nitong subok sa pag-skydiving.###|WENCY LISAY