DFA, dapat na raw bawasan ang diplomatic relation sa pagitan ng Pilipinas at China ayon sa ilang local officials sa Kalayaan, Palawan

Hiniling ng ilang opisyal sa Kalayaan, Palawan na bawasan ang diplomatic relation sa pagitan ng Pilipinas at China, ito’y bahagi ng resolution na nagdedeklara ng persona non grata kay Chinese Ambassador Huang Xilian.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay Maurice Phillip Albayda, Kalayaan Municipal Councilor, Palawan, sinabi nito na ipadadala na sa Department of Foreign Affairs (DFA), Senado at Chinese Embassy ng Manila ang nasabing Resolution No. 125-015 s2023 na nakakuha ng unanimous vote sa municipal council.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Samantala, hinihikayat naman ni Vice Mayor Beltzasar ng nabangggit na munisipalidad, ang pamahalaan na magsagawa ng Military training sa Pag-asa Island para mas maprotektahan ng masa maraming residente sa lugar angteritoryo ng Pilinipinas lalo ngayong sunod-sunod ang pambubully ng China.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Nabatid na nag-ugat ang resolution sa hindi niya pagkilala ng China sa Ren’ai Reef o “Ayungin Shoal” na sakop ng economic zone ng bansa at ang ginawa ng Chinese Coast Guard na pagbomba ng tubig sa resupply vessel ng Philippine Coast Guard at iba pang nakalipas na panghaharang sa WPS.