Amerika – hinamong ‘wag puro dakdak pagdating sa pagprotekta sa Pilipinas sa West Philippine Sea

Hinamon ng isang abogado ang bansang America na tuparin ang mga binibitawan nitong salita sa gitna ng umiinit na usapin sa West Philippine Sea (WPS)

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay Former Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, sinabi nito na imbis na pinag-uusapan ay giyera sa WPS ay dapat inaalam ng gobyerno kung paano mapakikinabangan ang yaman doon habang nagpasaring din dito sa pakikisawsaw ng US sa usapin.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada calls DOJ plunder recommendation ‘unjust’

Samantala, nilinaw naman ni Atty. Roque na walang dapat na pinagtatalunan sa usapin ng soberanya sa Ayungin Shoal dahil bahagi lamang aniya ito ng exclusive economic zone kung kaya economic right lamang ang mayroon tayo dito.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Kung maalala, sapilitan pa ring pinapaalis ng Beijing ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal kung saan pinalagan na ito ng ilang eksperto na nagsabing hindi dapat na naniniwala sa mga ipinalalabas ng China na una ng nagsabi na makipagtulungan para pahupain ang tesnyon sa lugar.