Teves, posibleng mapatalsik sa NPC

Inihayag ni 1st District Representative at pinuno ng House contingent para sa Nationalist People’s Coalition (NPC) Michael John Duavit na dapat raw na pag-usapang mabuti kung papatalsikin rin sa partido si Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Ito’y matapos alisin bilang myembro ng House of Representatives si Teves dahil sa pag-abondona sa trabaho, tangkang pag-apply ng asylum sa Timor-Leste at “indecent behavior” sa social media.

Mismong si Rep. Duavit rin ay bumotong pabor sa pagtanggal kay Teves sa Kongreso dahil naniniwala itong naging patas ang desisyon na dumaan sa due process.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Kasama ang kongresista sa 265 na pumabor sa pagtanggal kay Teves, 3 ang abstain, at wala namang kumontra sa naging desiyon ng Kamara.