Mga pulis na bumaril kay Jemboy , nakapatay ang body cam

Napagalaman ng Navotas City Police na nakapatay ang mga body cameras ng mga pulis na pumatay kay Jerhode “Jemboy” Baltazar habang isinasagawa ang operasyon.

Ayon kay Navotas City police chief PCol. Allan Umipig, dadagdag ito sa mga kaso ng anim na pulis na sangkot sa pagkamatay ng biktima dahilsa mistaken identity.

Read More:  TRB orders NLEX to explain prolonged traffic caused by flooding in Pampanga

Dagdag pa nito, marami ng pagkakataon na nakapatay ang mga body cameras tuwing police operations at nirarason ng mga ito ang pagkawala ng baterya.

Read More:  Quezon City RTC issues arrest warrant vs. VP Sara Duterte

Ngunit hindi naman daw nagkulang ang ahensya sa pagpapaalala na i-full charge ang mga cameras pag magsasagawa ng operasyon.

Makakatulong raw ang mga body-worn cameras upang matiyak ang transparency at pananagutan sa mga operasyon, lalo na kapag sinusuri ang pagsasagawa ng mga pagsalakay at pag-aresto.