Lalaking 2 araw nawala, natagpuang patay sa Pasacao, Camarines sur

CAMARINES SUR- Natagpuan na ang padre de pamilyang nawala ng dalawang araw sa Pasacao, Camarines Sur.

Sa pinaabot na impormasyon na Brigada News FM Naga ng kaanak at Kabarangay ni Ramon Cedan Bombon alyas Enon ng Tilnac Pasacao, natagpuan na wala nang buhay sa kanilang bukirin ang biktima.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Una rito nanawagan ang mga kaanak sa publiko na nawawala si Enon, umalis ng madaling araw para puntahan ang kalabaw pero hindi pa umuwi.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Nagtulong-tulong ang mga residente ng barangay upang hanapin ang lalaki at kahapon nga  Aug. 10, 2023 nakita na lamang itong nakabulagta’t patay na.

Inaalam pa ang sanhi ng pagkasawi nito.