PBA, posibleng magdagdag ng dalawang koponan sa liga

Inanunsyo ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcia na nakikipagugnayan ang organisasyon sa dalawang koponan na posibleng maging mga pinakabagong myembro ng liga.

Ito ay bilang preperasyon at pagpapalakas sa nalalapit na bagong season sa ika-15 ng Oktubre na gaganpin sa Araneta Coliseum.

Read More:  Strong Group-Pilipinas ends Jones Cup Campaign with fifth-place finish

Bihirang mabigo ang PBA sa pagkuha ng interes mula sa mga kumpanyang sumali sa kanilang asosasyon dahil patuloy itong nangunguna at pinaka-prestihiyosong propesyonal na liga ng basketball sa Pilipinas.

Read More:  Alex Eala eyes stronger US Open Run in second main draw appearance

Sa ngayon, hindi na muna pinangalanan ni Marcial ang dalawang koponan na posibleng madagdag sa lineup.

Kasalukuyang binubuo ng 12 clubs ang PBA, na magiging 13 sa paparating na Commissioner’s Cup dahil magsisilbing guest team ang Bay Area Dragons.