Spain at Portugal, nakakaranas ng matitinding wildfires dahil sa heatwave

Dinanas ng mga residente ang matitinding wildfires sa Spain at Portugal dahil sa tumamang heatwave sa sa Iberian Peninsula, na patuloyng lumalala ang kondisyon.

Ayon sa National Civil Protection Authority (NCPA), nag-deploy sila ng mga libo-libong bumbero sa central at southern Portugal, na suportado ng 12 water-bombing planes para labanan ang mga nasabing sunog.

Samantala, tatlong wildfires naman ang namataan sa mahigit 1,000 ektarya sa Spain dahil nanatiling sa matinding tag-init sa bansa.

Ito ang ikatlong summer heatwave na tumama sa Iberian Peninsula at inaasahan itong tumagal hanggang Huwebes ngayong linggo.