Regional MWP na may patong-patong na kasong panghahalay sa menor-de-edad, arestado

Arestado ang isang construction worker na may patong-patong na kasong ‘rape of minor’ sa Brgy San Ramon, Bulan , Sorsogon.

Kinilala ang akusado na si Richard Roaring Gracela, 43-anyos, may kinakasama at residente ng nasabing barangay.

Read More:  Senior Citizens in Gensan find fun, fitness in Pickleball

Ang warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Br 65, Bulan, Sorsogon ay inihain ng Bulan MPS katuwang ang 2PMFC at ng Regional Intelligence Unit.

Read More:  15-year-old drowns while searching for lost cellphone for P1,000 reward in Cebu

Si Gracela ay nahaharap sa kasong 4 counts of rape na may relasyon sa RA 7610 o child abuse.

Walang itinakdang piyansa ang korte sa kaso ni Gracela.