Tataas ang buwis kapag na-ban ang POGO sa bansa – Senador

Nagbabala si Senator Francis “Chiz” Escudero na tataas ang buwis kapag ipagbabawal na ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.

Read More:  House leader questions OVP ‘petty cash’ confidential fund handling

Ayon kay Escudero, kung ipapasara ang POGO kailangang dagdagan ang buwis dahil kukunin ang nawawalang kita mula sa kanila.

Dagdag pa ng senador, hindi lahat ng gaming operator ay masama dahil nakatutulong ito para kumita ang gobyerno.

Read More:  House lead prosecutor says Lachica may no longer need to testify

Kung maaalala, nakapagtala ng 66.16% na paglago ang PAGCOR, at kasama na rito ang P55.05B accounts na sakop ng gaming operations.