Miyembro ng NPA na may kasong attempted murder, arestado sa Jovellar, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ng mga otoridad ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) dahil sa kasong attempted murder kahapon, Hulyo 24 sa Brgy. Rizal, bayan ng Jovellar, Albay.

Read More:  High-ranking NPA leader killed in Albay clash

Kinilala itong si Elmer Buen Nota.

Ayon sa report ng mga otoridad, nahuli ang suspek sa isinagawang manhunt operation sa pagtutulungan ng iba’t ibang yunit kabilang ang 1sr PMFC at Jovellar MPS.

Read More:  Forced evacuations imposed in Pampanga and Bulacan as severe flooding worsens

Sinilbihan nila ito ng warrant of arrest para sa nasabing kaso na may piyansang aabot sa PHP120,000.

Sa ngayon, hawak na ito ng nasabing himpilan para sa kaukulang disposisyon.