Pilipinas handang ibukas ang Maharlika fund para sa mga Malaysian Investors

Handa ang Pilipinas na ibukas ang Maharlika fund para sa mga Malaysian Investor, iyan ang binigyang diin ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Read More:  Lacson rejects alleged ₱5 million TESDA fund offer from Secretary Benitez

Ayon kay Romualdez, isa sa tatalakayin ng pangulo sa kanyang tour visit sa Malaysia ay ang pagbibida sa Maharlika fund sa harap ng mga Malaysian businessmen.

Aniya, layunin ng pamahalaan na lumago pa ang ekonomiya ng bansa matapos na bumagsak ito dulot ng pandemya.

Read More:  ICC prosecution drops one incident from Duterte case

Dagdag pa nito, kinakailangang handa ang Pilipinas na tumanggap ng mga foreign investors para mapabilis ang pagbangon ng  ekonomiya ng bansa.