QRF sa Mayon operations PGA, inaasahang tatagal na lamang hanggang ngayong linggo

LEGAZPI CITY – Inaasahang hanggang ngayong linggo na lamang ang itatagal ng quick response fund (QRF) para sa Mayon operations ayon sa Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO).

Ayon kay APSEMO head Dr. Cedric D. Daep, mula sa PHP30M QRF para sa operasyon, tinatayang aabot na lamang sa mahigit PHP2M ang maaring gamitin ng PGA para sa pamamahagi ng ilang mga kailangan ng mga pamilya maging ng mga pasilidad na ginagamit at inaayos sa mga evacuation centers.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Dahil sa sitwasyon ngayon ng QRF, inaasahan na ang pagdeklara ng financial depletion.

Kailangan na rin umanong magpasaklolo sa national government at iba pang donors ang lalawigan ayon sa APSEMO.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Mag-oorganisa rin ang Albay ng donors forum para makapagpresenta ang mga binuong cluster ng mga pangangailangan nito para sa response at recovery activities ng mga ito sa mga apektadong pamilya at mga pasilidad sa lalawigan ng Albay.