Mga talumpati ni Former Pres. Duterte, gagawing ICC evidence

Ilalahad bilang ebidensya sa International Criminal Court (ICC) ang mga talumpati, pahayag, at datos na nalikom ng mga biktima sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay National Union of Peoples’ Lawyers-National Capital Region (NUPL-NCR) Secretary General Kristina Conti, naghahanap sila ng paraan upang maayos na mapangalagaan, mai-document, at maibahagi sa ICC ang lahat ng mga ebidensyang hawak nito.

Read More:  Teodoro probes possible spying at illegal POGO hub near military camps

Dagdag pa ni Conti, ang dapat gawin ng mga kaanak ng biktima sa kampanya kontra illegal na droga ay makipagtulungan sa naturang korte.

Read More:  60 fatalities in MV June Aster fire identified; 11 others still being identified — PCG

Sa huli, sinabi ng secretary general na maaaring tumagal ang ICC ng higit sa isang dekada bago lumabas ang findings sa nalikom nitong mga ebidensya.