DOJ, dismayado sa desisyon ng ICC kaugnay sa War on Drugs ng Duterte admin

Dismayado ang Department of Justice sa International Criminal Court dahil sa pagpapatuloy ng imbestigasyon laban sa War on Drugs ng Duterte Administration.

Tinawag ng DOJ na “flawed interpretation of its own jurisdiction” ang ginawang pamantayan ng ICC para sampahan ng kaso ang mga opisyal na sangkot sa War on Drugs noong nakaraang administrasyon.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Dagdag pa nito, hindi raw isinasaalang-alang ng ICC ang sariling jurisdiction ng Pilipinas.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Matatandaang sinabi ni former Chief of the Philippines National Police Senator Ronald de la Rosa na hindi nangangamba ang dating pangulo sa ICC at giniit nito na walang patutunguhan ang sinasagawang imbestigasyon.