Naimbitahan si dating Bise Presidente Leni Robredo na dumalo sa pangalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.
Ngunit ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, tinangghinan ito ni Robredo sa hindi idinetalyeng rason.
Sa kasalukuyan, wala pang pahayag ang kampo ng dating Bise Presidente sa naturang pangyayari.
Samantala, kinumpirma na ng tatlong dating leaders na sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, dating Presidente at House Deputy Speaker Gloria Arroyo, at si former president Joseph Estrada ang kanilang attendance sa SONA.
