E-Gov PH super app, inirekomendang gamitin ni PBBM sa mga LGUs

Hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bawat ahensya ng gobyerno na makiisa sa paggamit e-Gov PH super app para sa mga serbisyo ng Local Government Units sa bansa.

Read More:  Teodoro challenges China to name politicians allegedly linked to Beijing

Ayon kay Marcos, ito na ang panahon kung saan malaki ang papel ng teknolohiya sa lipunan, kaya dapat nang masanay ang publiko rito.

Kaugnay nito, naniniwala din siya na makatutulong ang naturang application upang labanan ang kriminalidad sa bansa at mga paglabag sa batas.

Read More:  Lacson rejects alleged ₱5 million TESDA fund offer from Secretary Benitez

Samantala, inilunsad na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang kanilang e-LGU system kahapon.