COMELEC, sisiguraduhing protektado pa rin ang boto ng mga OFW

Tiniyak ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na sapat ang seguridad upang protektahan ang mga balota para sa gagawing online voting system para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa darating na eleksyon.

Ayon kay Laudiangco, kapag natapos na ang pagsasaayos ng terms of reference, ay sisimulan na rin agad ang public bidding nito.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Dagdag pa niya, masisiguro rin ang seguridad ng naturang mga balota sa pamamagitan ng confirmation na paraan ng authentication, gayundin ang paggamit ng password upang makumpira na ang botante ay nakarehistro at nakaboto, at ang boto nito ay nabilang at niatala.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Samantala, nilinaw ng opisyal na hindi lahat ng bansa na may OFW ay gagamit ng online voting system dahil ang ganitong klaseng sistema ay hindi pinahihintulutan sa ilang mga bansa gaya ng China at Israel.