Lakad ni Pangulong Marcos sa Apayao ngayong araw, kanselado

Kinansela ni Pangulong Bongbong Marcos ang naka takda sana nitong lakad sa Luna, Apayao ngayong araw.

Dadalo sana ang Pangulo sa ika-36th Cordillera Day Celebration bilang keynote speaker.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ayon kay Communications Secretary Cheloy Garafil, ang desisyon ng Pangulo ay bunsod ng naging rekomendasyon ng Presidential Security Group dahil sa sama ng panahon.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Sa update ng PAGASA kaninang umaga, ang Habagat ang umiiral sa malaking bahagi ng bansa na magpapaulan ngayong araw, inaasahan din ang malakas na bugso ng hangin sa malaking bahagi ng Ilocos Region at Cordillera.
#