16 volcanic quakes, naitala sa Bulkang Taal – PHIVOLCS

Nasa labing-anim na volcanic earthquakes at labintatlong volcanic tremors ang naitala ng PHIVOLCS sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Batay sa datos, patuloy ang bahagyang mataas na aktibidad ng bulkan nitong mga nakalipas na araw.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Kaugnay nito, aabot naman sa 5,887 tonelada kada araw ang naibugang sulfur dioxide ng bulkan.

Nananatili ang katamtamang pag-singaw kung saan, umabot sa 1,200 metro ang taas ng plume na naitala sa main crater.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 1 ang status ng Bulkang Taal at mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpunta at pamamalagi sa Taal Volcano Island.