Kidnap group members na most wanted sa Maynila, tiklo sa Rizal

Tuluyan nang nadakip ng mga awtoridad ang mga miyembro ng itinuturing na isa sa most wanted kidnap groups sa Metro Manila sa bahagi ng Cainta, Rizal.

Sa bisa ng warrant of arrest, unang nahuli ang lider ng grupo na si Ramil Madriaga, kasama ang miyembro nito na sila Jaime Patano.

Read More:  107 residents evacuate after Taal volcano eruption triggers ashfall in Batangas

Bandang gabi naman noong July 11, 2023 nang maaresto ang iba pa nilang kasamahan na si Ervin Barnados, Ronald Alevio at Richard Babagay.

Read More:  Binalbagan River residents brace for foul odor, murky water as milling season opens

Narekober sa kanila ang isang baril, iba’t-ibang mga ID, cellphones at isang sasakyan.

Kaugnay nito, bigla namang nawalan ng malay ang lider nilang si Madriaga nang kinukuhanan ito ng mug shot.

Isinugod naman ito sa ospital at kasalukuyang nagpapagaling.