Construction worker, arestado sa Camalig dahil sa kasong frustrated homicide

LEGAZPI CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang construction worker matapos hulihin ng mga kapulisan sa Purok 3, Brgy. Taloto bayan ng Camalig, Albay dahil sa kasong may kinalaman sa pagpatay na isinagawa sa bayan ng Jovellar.

Kinilala ang akusado na si Glenly Mancera y Llantos, 40 anyos na residente ng nasabing barangay.

Read More:  Army soldier, wife killed after Bacolod family dispute

Ayon sa report, hapon nang puntahan ng mga tauhan ng Jovellar MPS ang lugar na kinaroroonan ng akusado upang isilbi sa kanya ang warrant of arrest.

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city

Nang marating ang lugar, dito na hinuli ang suspek dahil sa nasabing kaso o ang Frustrated Homicide.

Aabot sa PHP24,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Agad naman itong dinala sa nasabing himpilan para sa kaukulang disposisyon.