Online lending applications – nais ipa-regulate ng ilang mambabatas

Naghain ng panukala si Davao City Representative Paolo Duterte at dalawang iba pang kongresista para i-regulate ang mga online lending apps, at igiil na ang sa ginagawang pagbabanta sa may mga utang.

Sa ilalim ng House Bill 6681 o Fair Debt Collection Practices Act, ay mahigpit na ipagbabawal ang pagbabanta, pamamahiya, at kahalintulad na hakbang para makapaningil sa mga umutang na hindi pa nakakabayad.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Ang layon ng nasabing panukala ay upang mabawasan ang maraming nabibiktima sa mga hindi pa rehistrado o iligal na nag-ooperate ng lending companies.

Read More:  Ukrainian firm facing money laundering charges sent funds to Duterte-linked company

Dahil dito, marami pa rin ang gumagawa ng mga iligal na operasyon kung kaya’t marami nang registration ng lending company ang kinansela ng Securities and Exchange Commission (SEC).//MKCJ